China kinarma kaagad! Isang Chinese fighter aircraft bumagsak umano sa South China Sea

Thanks! Share it with your friends!

You disliked this video. Thanks for the feedback!

Added by
81 Views
Iniulat na kinumpirma umano ng isang intelligence service ng Taiwan na isang Chinese military aircraft ang bumagsak sa South China Sea at nangyari ito matapos inatake ng laser ng Chinese coast guard ang isang barko ng Philippine coast guard.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine coast guard na ang Chinese vessel na may numerong 5205 ay nagdirekta ng laser light sa isang barko nito na BRP Malapascua noong February 6 habang nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.

Kumalat ang report tungkol sa pagbagsak ng isang Chinese military aircraft matapos ibinahagi ito sa Twitter ng isang Vietnamese journalist na si Duan Dang. Pinaghihinalaan rin na ang bumagsak na Chinese asset ay isang Y-8 maritime patrol aircraft at nangyari umano ito malapit sa coastline ng Sanya sa South China Sea.

Sa isang hiwalay na Twitter post, sinabi ng reporter na nagsagawa ang China ng isang military drill upang itago ang search and rescue operation nito sa publiko at upang makaiwas umano ang komunistang bansa sa isang matinding kahihiyan.
Category
MILITARY
Tags
Fighter aircraft ng China bumagsak, Y-8 maritime patrol aircraft bagsak, Y-8 bumagsak sa South China Sea
Commenting disabled.